Pinanindigan ni dating US Pres Donald Trump ang nauna nitong pahayag na hindi siya natalo sa nakalipas na 2020 US Presidential Elections.
Sa ikalawang US Presidential Debate, natanong si Trump kung tinatanggap na niyang natalo siya sa nakalipas na halalan, kasunod na rin ng mga nauna nitong nabanggit na katiting lamang ang pagkatalo niya sa 2020 Elections.
Pero sagot ni Trump, kung nabanggit man niya ito ay sarkastiko ang kanyang pagkakasabi noong panahong iyon.
Sagot naman ni VP Harris, si Trump ay tinanggal ng mahigit 81 million Americans.
Bagaman nahihirapan aniya si Trump na tanggapin ito, dapat umanong maintindihan ng dating pangulo na ayaw na sa kanya mga mamamayan.
Sa katunayan aniya, tinatawanan siya ng mga lider ng iba pang bansa, kung saan ilan sa kanila ay dati nang nakapulong ni Trump noong pangulo pa lamang siya.
Agad naman itong sinagot ni Trump at sinabing maraming mga world leader ang nagnanais na makita siyang muli sa White House.
Inihalimbawa nito ang umano’y sinabi sa kanya ng Prime Minister ng Hungary na kailangan umanong makabalik ang dating pangulo dahil takot sa kanya ang maraming mga lider, tulad ng China at iba pang mga bansa.