-- Advertisements --
Naghain ng motion si dating US President Donald Trump sa korte na humihiling na ipa-disqualify si US District Judge Tanya Chutkan.
Si Chutkan ang dumidinig sa kaso ni Trump ng magtangka itong baligtarin ang resulta ng 2020 presidential election.
Igiit ni Trump na hindi patas ang imahe ng nasabing judge.
Noong nakaraang buwan pa nitong planong palitan ang judge at maging ang venue ng pagdinig sa nasabing kaso.