-- Advertisements --
Sinulatan na ng US Congress si President Donald Trump para ito ay dumalo sa isinasagawang impeachment hearing.
Laman ng nasabing sulat na pinapadalo ang US President sa Disyembre 5.
Bukod kay Trump ay kasamang pinapadalo ang mga abogado nito.
Magugunitang noong nakaraang Linggo ay nagpahayag si Trump na interesado itong dumalo sa impeachment hearing.
Noong nakaraang linggo rin ay ilang mga witness ang ipinatawag ng US Congress na may kinalaman sa nasabing pag-uusap nina Trump at Ukraine President na ipinapaimbestiga si dating Vice President Mike Pence.
Target din ng mga mambabatas na ma-impeach ang pangulo bago ang pasko ngayong taon.