-- Advertisements --
Pinasalamatan ni US President Donald Trump si Norwegian member of parliament Christian Tybring-Gjedde dahil sa pag-nominate nito sa kaniya sa 2021 Nobel Peace Prize.
Sa kaniyang Twitter, ipinaabot ni Trump ang pasasalamat sa opisyal ng Norway.
Ang nominasyon ni Trump ay may kaugnayan sa ginawa nitong kasunduan sa pagitan ng Israel at United Arab Emerates.
Hindi lamang ito ang unang beses na itinulak nila si Trump sa Nobel Peace Prize dahil noong 2018 ay isinagawa nila ang pagsulong kay Trump dahil sa ginawa nitong paglapit at pakikipag-usap sa North Korea.
Umaasa ang opisyal ng Norway na mapili si Trump.