-- Advertisements --

Mainit na tinanggap ni US President Joe Biden sa White House si president-elect Donald Trump.

Ito ang unang pagkakataon na nakatunton muli sa White House si Trump mahigit apat na taon mula ng matapos ang kaniyang termino.

Sa nasabing pulong ay tiniyak sa kaniya ni Biden na magiging mapayapa ang kanilang gagawing paglilipat ng kapangyarihan.

Sinabi naman ni Trump na naging matindi ang pulitika at hindi ito magandang mundo at pinuri niya ngayon ang ginawang pulong nila ni Biden.

Kasama rin sa pulong sina White House Chief of Staff Jeff Zients at incoming White House Chief of Staff Susie Wiles.