-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang mga reciprocal tariffs sa mga produkto na galing sa iba’t-ibang bansa.

Ang nasabing taripang ipinataw ay base na rin sa taripa na sinisingil ng mga bansa sa US.

Giit nito na kalahati lamang ang sinisingil nilang taripa sa US kaya hindi ito maituturing na pagtapat o pagganti.

Depensa pa ng US President na ang taripa ay para na rin sa ikakabuti ng mga magsasaka ng US.

Itinuturing niya na ang hakbang ay paglalagay sa una ang America.

Narito ang ilang mga listahan ng bagong taripa na ipinataw ng US sa iba’t-ibang bansa:

China – 34 percent
EU – 20 percent
China – 34%
Vietnam – 46%
Taiwan – 32%
Japan – 24%
India – 26%
South Korea – 25%
Thailand – 36%
Malaysia – 24%
Cambodia – 49%
Bangladesh – 37%
Singapore – 10%
Philippines – 17%
Pakistan – 29%
Sri Lanka – 44%
Myanmar – 44%
Laos – 48%