-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng White House ang naging pahayag ni US President Donald Trump na isinisi ang US Army helicopter sa mataas nitong paglipad.
Ayon kay White House spokeswoman Karoline Leavitt , na ang nasabing pahayag ni Trump ay base rin sa mga naipaparating sa kaniya ng mga impormasyon.
Gaya aniya ng sinabi ng US President na nagkaroon umano ng problema sa federal hiring standard ng Federal Aviation Authority (FAA).
Tuloy-tuloy din ang ginagawang pagkuha ng update ni Trump sa mga namumuno ng imbestigasyon banggaan ng eroplano at military plane lalo na at natagpuan na nila ang blackbox ng eroplano.