Nanawagan si US President Donald Trump na humingi ng kapatawaran sa America ang apat na mambabatas na tumuligsa sa kaniyang polisiya.
Ayon kay Trump na dahil sa ginawang pagbatikos ng mga kongresista ay pinagbuntunan siya ng galit dahil sa pagiging racist niya.
Magugunitang binatikos ni Trump sina New York Representatives Alexandria Ocasio-Cortez, Ayanna Pressley ng Massachusetts at Rashida Tlaib ng Michigan at Minnesota Rep. Ilham Omar dahil sa pagkontra sa kaniyang immigration policy at sinabing bumalik na lamang ang mga ito sa kanilang bansa.
Sa nabanggit na mambabatas ay tanging si Omar ang nagmula bilang refugee ng Somalia bago naging naturalized citizen.
Naglabas na rin ng resolution ang House of Representatives na komokondina sa naging pahayag nito na ng US president dahil sa pagiging racist nito.