Pinuri ni US President Donald Trump ang aniya’y walang katapusang pagkakaibigan sa pagitan ng Amerika at United Kingdom.
Pahayag ito ni Trump sa isinagawang state banquet sa Buckingham Palace sa umpisa ng kanyang tatlong araw na state visit sa Britanya.
Sa kanyang talumpati sa banquet, pinapurihan din ni Trump ang katapangan ng mga Briton noong World War 2 at tinawag din si Queen Elizabeth II bilang isang “great woman.”
Sinabi naman ng reyna, tinatamasa ngayon ng kanilang mga bansa ang alyansang titiyak sa kaligtasan at kaunlaran ng kanilang mga mamamayan sa mahabang panahon.
Una rito, binatikos ni Trump si London Mayor Sadiq Khan na tinawag pa nitong “stone cold loser.”
Kasabay din ng state visit ni Trump, nakahanda na rin ang malawakang mga protesta sa ilang mga siyudad sa UK bilang pagpapakita ng pagkontra sa American chief executive. (BBC)