-- Advertisements --

Inaasahang babalik si US President Donald Trump sa Washington nang mas maaga kaysa inaasahan.

Ito’y matapos naibunyag na nagpaplano umano ang Republicans na gambalain ang gagawing pag-certify ng US Congress sa pagkapanalo ni President-elect Joe Biden.

Dahil dito, si Trump ay nakatakdang umalis sa Palm Beach bago ang kanyang taunang pagdiriwang ng Bagong Taon, kahit na ang mga panauhin nito ay nagtipon-tipon na sa kanyang Florida club at inaasahang dadalo siya sa nasabing okasyon.

Napag-alaman na karaniwang nakikisaya ang US President kasama na ang magpakita at pagrampa sa red carpet sa harap ng media at ng kanyang mga kaibigan, ngunit kaniyang lalaktawan ang kaganapang ito ngayon na dati namang ay hindi niya ginagawa.