-- Advertisements --
Pagkikita ni US President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa White House sa Washington, U.S., Pebrero 4, 2025. SOURCE: Screenshot from REUTERS/Elizabeth Frantz.

Inihayag ni US President Donald Trump nitong Martes ng gabi oras sa Amerika ang planong pagsakop sa Gaza Strip pagkatapos mailipat aniya ang mga Palestinian sa mga karatig bansa.

‘The U.S. will take over the Gaza Strip, and we will do a job with it too,’ pahayag ni Trump

‘We’ll own it and be responsible for dismantling all of the dangerous unexploded bombs and other weapons on the site,’ ani pa ng US President.

Ang planong ito, ay kasunod ng isang joint press conference kasama si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, kung saan magbabago sa mga patakaran ng U.S. tungkol sa isyu ng Israeli-Palestinian conflict.

Inilarawan pa ni Trump na ang Gaza Strip, bilang isang “demolition site.” Sinabi niya na kapag nailipat na ang mga Palestinian, ang U.S. ay mangunguna sa pag-aayos ng mga gulo mula sa mga natitirang bomba at armas sa mga digmaan at pamamahalaan ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng rehiyon.

Dagdag pa ni Trump na layunin din daw niyang gawing isang masiglang lugar ang Gaza, kung saan lilikha umano ito ng mga libo-libong mga trabaho na siyang magsusulong ng pag-unlad sa ekonomiya nito na magiging isang modelo umano sa middle east.

‘We’re going to develop it, create thousands and thousands of jobs, and it’ll be something that the entire Middle East can be very proud of,’ saad ni Trump.

‘I do see a long-term ownership position and I see it bringing great stability to that part of the Middle East,’ sabi ni Trump.

Bagama’t hindi binigyan ni Trump ng karagdagang detalye kung paano isasagawa ang proseso ng resettlement o kung sino ang mga bagong maninirahan sa Gaza.

Pinuri naman ito ni Netanyahu at sinabing ‘bago at sariwa ang ideya’ at ipinagmalaki ang kagustuhan ng presidente ng Estados Unidos na ibahin ang kaisipan ng mga palestino sa pagharap sa matagal nang isyu ng kontradiksyon sa rehiyon.