-- Advertisements --

Planong bumisita sa Saudi Arabia si US President Donald Trump.

Ayon sa White House na maaring isagawa ang pagbisita sa kalagitnaan ng Mayo.

Ito ang unang foreign trip ni Trump sa kaniyang ikalawang termino.

Ilan sa mga maaaring talakayin niya sa mga opisyal ng Saudi Arabia ay ang pagresolba sa tatlong taon na labanan sa pagitang ng Russia at Ukraine.

Una ng nagkaroon ng pag-uusap ang kinatawan ng US at Ukraine na ginanap sa Saudi Arabia.

Magugunitang sinabi rin ni Trump na magtutungo ito sa Saudi Arabia para selyuhan na ang $1 trillion na investment nila sa US kasama na ang pagbili ng mga kagamitang pandigma.