-- Advertisements --

Plano ni US President Donald Trump na simulan ang pagbebenta ng gold card visa sa halagang $5 million para sa mga dayuhang nais na manirahan at magtrabaho sa Amerika.

Ayon kay Trump, maaaring magsimula ang naturang immigration program sa loob ng 2 linggo.

Aniya, magbibigay daan ito para sa mga dayuhan na mabigyan ng mga pribilihiyo ng green card, daan tungo sa US citizenship.

Saad pa ni Trump na posibleng makwalipika din ang Russian oligarchs sa gold cards.

Ayon pa kay Trump, papalitan ng gold card ang “EB-5 program” na naggagarantiya ng green cards para sa mga dayuhan na nangakong mamumuhunan sa mga negosyo sa US.