-- Advertisements --

Ikinokonsidera ngayon ni US president-elect Donald Trump na imbitahan si Chinese President Xi Jinping sa kaniyang panunumpa sa opisina sa buwan ng Enero.

Sinabi nito na may ilang tao siyang nais na imbitahan kung saan ikinabahala ng iba na baka ito ay masyadong mapanganib sa pagbibigay ng seguridad.

Kinumpirma naman ni Incoming White House press secretary Karoline Leavitt ang pag-imbita ni Trump kay Xi sa inauguration.

Hindi naman nito binanggit kung tinanggap ni Xi ang imbitasyon sa kaniya.