-- Advertisements --
Hinihintay pa ni Army Secretary Mark Esper ang approval mula sa US Senate kung papayagan itong maging acting-secretary of defense ng Estados Unidos sa mga darating na linggo.
Ito ay kasunod ng pormal na inihayag ni US President Donald Trump na nais niyang italaga bilang bagong US Defense Secretary si Mark Esper.
Kung sakali ay papalitan ni Esper sa pwesto si dating defense secretary Patrick Shanahan na nagdesisyong hindi na ituloy ang confirmation process nito sa parehong posisyon at mag-focus na lang umano sa kaniyang pamilya.
Kinakailangan na i-nominate ni Trump si Esper bago sumapit ang Hulyo 30, alinsunod ito sa patakaran kung saan ang isang position ay maaari lamang magkaroobn ng acting official sa loob ng 210 araw.