-- Advertisements --

Pumayag na si US President Donald Trump na iantala ng isang buwan ang pagpapataw ng taripa sa Mexico.

Inilabas nito ang desisyon matapos ang ginawang pag-uusap nila ni Mexican President Claudia Sheinbaum.

Dagdag pa ni Trump na naging maganda ang usapan nila kung saan pumayag din siya na maglagay ng 10,000 na sundalo ng Mexico sa border na naghihiwalay sa US at Mexico.

Ang nasabing mga sundalo umano ay siyang pipigil sa pagpasok ng fentanyl at mga iligal na migrants.

Magugunitang magpapataw sana ang US ng 25% na taripa sa Mexico, Canada at China.