-- Advertisements --
Pumayag na si US President Donald Trump na magbayad ng $2 million o mahigit P100-M sa North Korea bilang bayad sa pag-alaga sa comatose American college student na si Otto Warmbier.
Ayon kay White House spokesperson Sarah Sanders, na hindi nila hinahayaan ang anumang nagaganap na pagdukot sa kanilang mga kababayan.
Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang White House sa nasabing pagbabayad.
Ang nasabing invoice ay ipinasakamay kay State Department Ambassador Joseph Yun ilang oras bago palayain sa Pyongyang noong Hunyo 13, 2017 kung saan pumanaw ito matapos ang anim na araw.
Magugunitang noong 2016 ay inaresto ang 22-anyos na estudyante matapos na akusahan ng pang-iispiya.