-- Advertisements --

Tinawag na isang uri ng pamumulitika ng kampo ni US President Donald Trump ang panibagong sexual assault na lumabas.

Ito ay matapos ang pagbunyag ng dating model na si Amy Dorris.

Ayon kay Dorris, nangyari ang insidente noong 1997 sa kaniyang VIP suite sa US Open tennis tournament sa New York.

Sinabi nito ng pinasok siya ni Trump at doon pinaghahawak ang mga maseselang bahagi ng katawan nito.

Edad 24 pa lamang ito noong nangyari ang insidente habang 51 naman si Trum na ikinasal sa ikalawang asawa nitong si Maria Maples.

Kaya ngayon lamang ito ng nagsalita ay dahil nais niyang maging role model sa kaniyang mga anak.

Ayon sa abogado ng Trump na normal lamang ang paglabas ng nasabing alegasyon dahil sa nalalapit na ang November 3 presidential elections.