Sinagot ni President Donald Trump ang pambabatikos sa kanya ng UK ambassador to the US matapos mag-leak ang ilang mga sensitibong emails.
Una rito, inilarawan ni Ambassador Sir Kim Darroch sa mga mensahe ang US president bilang “incompetent,” at inihayag nito na “magulo” at “hati-hati” ang White House sa ilalim ng pamumuno ni Trump.
Ayon kay Trump, hindi raw pinagsilbihan nang husto ni Darroch ang UK kaya naiintindihan niya raw ang naturang mga pahayag.
Buwelta pa ni Trump, marami rin daw itong masasabi sa British envoy ngunit hindi na lamang niya ito gagawin.
Dumistansya naman si British Foreign Sec. Jeremy Hunt at iginiit na personal na pananaw ito ng ambassador at hindi ng gobyerno ng UK.
Sinabi ni Hunt na isa pa rin ang US, sa ilalim ng Trump administration, sa mga matatalik na kaibigang bansa ng UK.
Nakatakdang magsagawa ang Foreign Office ng imbestigasyon ukol sa mga nag-leak na emails.