Pinabulaanan ni US President Donald Trump at ilang opisyal ng White House ang pangamba ng nakararami na unti-unti nang bumabagsak ang ekonomiya ng United States.
May kaugnayan ito sa lumalalang kaguluhan sa Hong Kong kung saan patuloy pa rin ang malawakang kilos-protesta sa lungsod.
Paniwala ni Trump, hindi magkakaroon ng kahit anong epekto sa Estados Unidos ang trade war nito sa China.
Subalit inamin ng American president na hindi ito tiwalang may mapagkakasunduang trade deal kasama ang China dahil nais daw ng White House na makita na tuluyan munang maresolbahan ang protesta sa Hong Kong.
Sa loob ng 10 araw ay nakatakdang magpulong ang dalawang bansa upang magsagawa ng advance negotiations upang matulgukan na ang trade battle na posibloeng magbunsod ng global economic growth.