-- Advertisements --

Todo pakiusap si US President Donald Trump sa China na tanggalin nila ang lahat ng  taripa sa mga American agricultural products.

Ginawa ni Trump ang apela kasunod na rin ng kanyang desisyon na ‘wag munang ituloy ang pagpataw ng second round ng tariffs.

Ipinagmalaki rin ng lider ng Amerika ang gumaganda na naman daw na relasyon sa komersiyo ng dalawang bansa.

Umuusad na rin kasi ang Trade discussion at ang nalalapit na summit nina Trump at Chinese President Xi Jinping.

Halimbawa sa pakiusap ni Trump na tanggalin ng China ang taripa ay sa karne kasama na ang pork, soybeans  at iba pa.

Ang China ang second largest agricultural market ng Amerika.

Sinasabing ang inaangkat na  agricultural products ng China ay umabot sa  $20 billion noong taong 2017.