-- Advertisements --

Kinalampag na ni US President Donald Trump ang mga pharmaceutical companies na pabilisin pa ang ginagawa nilang mga hakbang upang makabuo ng isang bakuna laban sa coronavirus disease.

Ayon kay Trump, magkakaroon sila ng pulong sa White House kasama ang mga pharmaceutical reps kada Lunes upang talakayin ang isyu sa coronavirus at sa bakuna.

“We are working very hard with the CDC, with everyone on a subject that has become a big subject,” wika ni Trump.

“We have big meetings with the most powerful companies in the world,” ani Trump. “When it comes to drugs and vaccines, maybe a cure is possible, so we’ll see about that.”

“We’re going to have another subject, vaccines, and how they’re doing…We’ve asked them to accelerate whatever they’re doing in terms of vaccines, absolutely.”

Una rito, inanunsyo ni Trump ang panibagong travel restrictions sa ilang mga bansa gaya ng Iran, Italy, at South Korea.

Batay sa pinakahuling datos mula sa US Centers for Disease Control and Prevention, pumalo na sa mahigit 100 ang bilang ng kumirmadong kaso ng COVID sa Estados Unidos.

Sa estado ng Washington, anim na katao na umano ang namatay dahil sa virus.