Hindi pa raw nagsisimula ang Estados Unidos sa pagtukoy kung ilan sa kanilang tropa militar ang nasaktan matapos tamaan ng ballistic missiles ang dalawang airbase housing ng US forces sa Iraq.
Ayon sa Iraqi government, ang naturang pag-atake ng kanilang panig ay isa sa mga higanti na kanilang inihahanda laban sa America kasunod ng pagpatay ng nasabing bansa kay Gen. Qassem Soleimani.
Kinumpirma naman ng Pentagon na mayroong dalawang sites ang inatake ng Iran. Ito ang Irbil at Al Asad ngunit hindi pa malinaw hanggang sa ngayon kung may mga nasawi dahil sa pag-atake.
Sinigurado naman ni US President Donald Trump na nasa maayos na kalagayan ang lahat at nakahanda ang US forces kung sakali man na utusan niya ang mga ito na gumanti sa Iraq.
Nilinaw din ng American president na hindi nito itutuloy ang pagbibigay ng statement hinggil sa nangyari.
Nagbabala rin ang Revolutionary Guard ng Iran sa lahat ng ka-alyadong bansa ng US. Target umano nila ang mga base militar kung saan nagsisimuila ang mga agresibong pag-atake.
Tinawag naman na isang self-defence ni Iranian Foreign Minister Javad Zarif ang ginawang pag-atake ng Iran. Alinsunod umano ito sa Article 51 ng UN Charter kung saan maaari nilang targetin ang mga base militar na nagdudulot ng kaguluhan sa kanilang lupain.