-- Advertisements --
US Senate Congress Capitol impeachment

Tinawag ni US President Donald Trump na panalo ng Amerika ang pag-abswelto sa kanya ng US Senate sa impeachment trial.

Nangutya pa ito sa kanyang social media post na nagpapahiwatig na kailanman ay hindi siyang mapapalayas sa White House.

Ayon sa Presidente ng Amerika bukas daw ay magbibigay siya ng pahayag upang ipagbunyi ang kanilang panalo.

“I will be making a public statement tomorrow at 12:00pm from the @WhiteHouse to discuss our Country’s VICTORY on the Impeachment Hoax!”

Sa panig naman ng mga Democrats na siyang nanguna upang makabuo ng impeachment case ay labis ang pagkadismaya sa naganap na botohan.

Isa na rito ang lider ng Democracts sa Senado ng Americak ang minority leader na si Sen. Charles Schumer na nagsabing umaasa siya na darating ang araw na sisingilin din ang mga pagkakasala ni President trump.

“Don’t lose hope. There is justice in this world and truth and right. I believe that. I wouldn’t be in this government if I didn’t,” wika pa ni Schumer.

trump state of the union 1

Isa naman sa mahigpit na supporter ni Trump na si Democrat Sen. Lindsey Graham ang nagdekla na nakikita na niya na sa buwan ng Nobyembre ay muling mahahalal sa reelection bid ang Presidente.

“Acquittal will happen in about two hours. Exoneration comes when President Trump gets reelected because the people of the united states are fed up with this crap,” giit naman Graham.

Una rito sa resulta ng botohan ng mga US senators nakakuha ng 53 ang “not guilty” habang 47 ang “guilty” sa unang articles of impeachment na abuse of power.

Mayroon namang 52 na senador ang bomoto ng “not guilty” at 48 ang “guilty” sa ikalawang articles of impeachment na obstruction of Congress.