-- Advertisements --

Hinimok ni President Donald Trump ang US Senate na ikonsidera nang walang delay ang kanyang nominasyon para sa nabakanteng puwesto sa Supreme Court matapos ang pagyao ni of Justice Ruth Bader Ginsburg anim na buwan bago ang halalan.

Naghahanda na kasi ang White House kaugnay sa pagpili ng nominee para sa puwesto ni Ginsburg, na iginugol ang kanyang huling mga taon bilang pinuno ng liberal wing ng Korte Suprema ng Amerika.

“We were put in this position of power and importance to make decisions for the people who so proudly elected us,” saad sa tweet ni Trump, “the most important of which has long been considered to be the selection of United States Supreme Court Justices. We have this obligation, without delay!”

Una nang nangako si Senate Majority Leader Mitch McConnell na magtatawag ito ng boto para sa sinumang papangalanan ni Trump.

Samantala, inihayag naman ni Democratic presidential nominee Joe Biden na dapat ay gawin na lamang ang botohan pagkatapos ng presidential elections sa Nobyembre.

“Voters should pick the president and the president should pick the justice to consider,” wika ni Biden. (AP)