-- Advertisements --
Sinalubong ng kilos protesta ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Dayton, Ohio ang lugar kung saan naganap ang madugong mass shooting na ikinasawi ng 31 katao.
Kasama niya si first lady Melania Trump ay binisita ang Miami Valley Hospital sa Dayton, Ohio kung saan itinakbo doon ang ilang mga nasugatan sa pamamaril.
Sinabi ni White House press secretary Stephanie Grisham na isa-isang pinasalamatan ni Trump ang mga staff ng hospital.
Bukod sa mga anti-Trump na nagsasagawa ng kilos protesta ay mayroon ding mga pro-Trump ang nagbigay ng suporta sa US President.