-- Advertisements --
Sinibak ni US President Donald Trump ang nasa tatlong opisyal ng National Security Council.
Ang nasabing pagsibak ay matapos ang pulong ni Trump kay far-right activist Laura Loomer.
Hinikayat kasi ni Loomer si Trump na sibakin ang ilang miyembro ng NSC na hindi sumusuporta sa agenda ng pangulo.
Ang nasabing pagsibak ay matapos ang naganap an kontrobersya noong nakaraang buwan kung saan naidagdag ang isang journalist sa Signal messaging thread na may kinalaman sa pag-atake nila sa Yemen.
Hindi na nagbigay ang White House ng mga pangalan ng sinibak na empleyado ng NSC.