Sinibak na ni US President Donald Trump si national security adviser John Bolton.
Ayon sa US President hiniling nito kay Bolton na hindi na kailangan ang serbisyo nito kaya agad naman daw nagsumite ito ng kaniyang resignation letter.
Nakatakda sanang dumalo sa Bolton sa pagpupulong kasam sina Secretary of State Mike Pompeo at Treasury Secretary Steve Mnuchin.
Tiniyak naman ni Trump na kaniyang papangalanan ang papalit kay Bolton sa susunod na linggo.
Isa sa dahilan umano ng pagsibak nito kay Bolton ay ang desisyon nito ng patuluyin ang mga lider ng Taliban sa Camp David.
Noong 2018 ay ipinalit ni Trump si Bolton kay HR McMaster dahil sa posisyon nito sa Iran.
Sinasabi rin na nagsasalungatan sina Trump dahil sa pagiging “hawkish” ni Bolton sa ilang mga isyu.