Muling naglabas ng kanyang mga hinaing si US President Donald Trump na naging biktima raw siya nang pandaraya ng kampo ng kanyang mahigpit na karibal na si dating Vice President Joe Biden.
Sa kanyang press conference sa White House, muling iginiit ni Trump na ninanakawan sila ng panalo.
Aniya, kung bibilangin daw ang mga legal votes, madali raw siyang mananalo pero kung bibilangin naman ang “illegal votes” ay nanakawin ang halalan sa kanila.
Ang pinatutungkulan pa rin ni Trump ay ang patuloy na pagbilang sa mga mail-in ballots.
Ang legal mail-in ballots ay patuloy pang binibilang sa apat na estado sa na kinabibilangan ng Arizona, Georgia, Nevada at Pennsylvania.
Una nang pumayag ang korte sa ilang estado na payagan pa rin ang pagbilang ng mail-in ballot basta naipadala ito sa petsa ng araw mismo ng halalan.
Para kay Trump “unfair” daw ang prosesong ito.
Sinasabing karamihan ng mga supporters ng democrats ay idinaan sa mail-in ang kanilang boto upang makaiwas sa mga pilahan sa presinto at pagkahawa sa COVID-19.
Ang naturang diskarte ang siyang ikinampanya ni Biden.
Si Trump naman hinikayat niya sa kampanyahan ang mga botante na bomoto sa mismong sa araw ng halalan.
Iginiit din ng Republican President na makukuha nila ang estado ng Arizona, sa kabila na batay sa projections ay lumalamang doon si Biden.
Bigyang diin din nito na lumalamang siya sa iba pang mga key locations kaya hindi raw nila papayagan na manaig ang mga mandaraya.
“We were winning in all the key locations, by a lot actually, and then our numbers started getting miraculously whittled away in secret and they wouldn’t allow legally permissible observers.”
Sa huli, inamin din naman ni Trump na ang korte pa rin ang magdedesisyon sa kanyang mga hinaing.
Kung maalala nagsampa ng reklamo ang Trump campaign sa ilang tinaguriang mga battleground states.
“Our goal is to protect the integrity of the election we will not allow the corruption to steal such an important election.”
Una nang umapela si Biden ng hinahon sa kanyang mga supporters sabay depensa sa ginagawang bilangan na maayos ito at walang dapat ikabahala.
“But that patience has been rewarded now for more than 240 years, the system of governance that has been the envy of the world,” ani Biden. “I asked everyone to stay calm. All people to stay calm. The process is working. The count is being completed. And we’ll know very soon.”