Tinanggal na ni US Pres. Donald Trump ang unang babaeng namuno sa coast guard ng US – CG Commandant, Admiral Linda Fagan.
Si Fagan ang unang babaeng namuno sa isang branch ng US Armed Forces matapos siyang italaga ni dating US Pres. Joe Biden noong 2022.
Sa unang araw ni Trump sa kaniyang opisina, agad niyang tinanggal si Fagan dahil sa umano’y ‘leadership deficiencies at operational failureas’, kasama na ang umano’y kabiguan ni Fagan na palakasin pa ang strategic objective ng US Coast Guard.
Si Fagan ang ika-27 commandant ng USCG. Bago nito ay nagsilbi siya bilang ika-32 vice commandant.
Nagsilbi rin siya bilang commander ng US – Coast Guard Pacific Area.
Siya ang pinaka-unang babaeng four-star admiral ng Coast Guard.
Sa kasalukuyan ay walang pang pinapangalanang papalit kay Fagan.