Tinanong umano ni outgoing US Pres Donald Trump ang mga aide at abogado kabilang na ang tagapayo ng White House na si Pat Cipollone tungkol sa kanyang kapangyarihan kung maaari ba nitong i-pardon ang kaniyang sarili.
Ang mga pag-uusap na iyon ay nangyari sa mga nakaraang linggo ayon sa sources.
Ngunit, hindi pa malinaw kung may kaugnayan ito sa nangyaring kaguluhan sa US Capitol at ‘yong kumalat na kontrobersyal audio recording nila ni Georgia Secretary of State Brad Raffensperger.
Nagtatanong umano ang Republican President tungkol sa legal at political consequences may kaugnayan sa self-pardon.
Gayunpaman, nakasaad sa Justice Department legal memorandum ng kanilang bansa na hindi maaaring patawarin ng pangulo ang kanyang sarili ngunit maaari siyang bumaba at hilingin sa kanyang bise presidente na kunin siya at patawarin siya.
Ngunit, ang memo na iyon ay hindi umiiral.