-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na siya ang pangunahing nagtaguyod ng ceasefire sa pagitan ng Gaza at Israel.
Dahil sa nasabing matagumpay na ceasefire deal kaya tinawag niya ang saril bilang ‘peacemaker’.
Maituturing niya na ito ang legasiya niya na hindi makakalimutan ng US kahit kakaupo pa lamang niya sa puwesto.
Tiniyak din nito na hindi siya magpapahinga hanggang hindi napapalaya ang lahat ng mga bihag ng mga Hamas.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pakikipagpulong ni Trump kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.