Tinawag ni US President Donald Trump na baliw si House Speaker Nancy Pelosi.
Ito’y may kaugnayan sa itinulak ni Pelosi na bagong panukalang batas na magtukoy kung may kakayahan si Trump na maglingkod bilang Pangulo ng Estadols Unidos.
Naalarma si Pelosi sa mga maling pag-uugali na ipinakita ng Republican President matapos nagpositibo sa Covid-19.
Sa ilalim ng 25th Amendment of the Constitution ng bansa, pinahihintulutan ang Kongreso na magtanggal sa posisyon sa pangulo kung ang karamihan sa mga miyembro ng gabinete at ang bise presidente ay hindi na kayang gampanan ang kanyang mga tungkulin.
Ayon kay Pelosi, dahil sa nasabing panukalang batas, lilikha ang Kongreso ng lupon na tutulong sa pagtukoy sa fitness ng Pangulo kung dapat pa nitong pamunuan ang pinakamataas na tanggapan ng executive branch.
Sa panig naman ni Trump, sinabi nito na si Pelosi ang dapat isailalim sa observation dahil nababaliw na umano ang nasabing mambabatas.
Kung maalala, umani ng mga pagpuna ang ginawa ni Trump na paglabas sa military hospital upang kawayan ang kaniyang mga supporters at ang pagbalik nito sa White House kahit hindi pa nakaka-rekober sa virus kung saan tinanggal pa ang kaniyang face mask dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga staff sa White House na nagpositibo sa deadly virus. (with report from Bombo Jane Buna)