-- Advertisements --
Tinawag ni US President Donald Trump na isang diktador si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Inakusahan pa ni Trump si Zelensky na siya ang nagsimula ng giyera nila ng Russia.
Isinagawa ni Trump ang nasabing pahayag ilang oras matapos na akusahan ni Zelensky ang US President na ipinapakalat ang mga maling impormasyon ng Russia.
Giit pa ni Trump na nasi niyang matapos agad ang giyera kahit na mawala ang mga teritoryo ng Ukraine.
Nilinaw naman ni Zelensky na kahit ganun ang pahayag ni Trump ay malaki pa rin ang respeto nito at handa itong tumugon sa mga peace deal.
Magugunitang noong nakaraang Linggo ay tinawagan ni Trump sina Zelensky at Russian President Vladimir Putin.