-- Advertisements --
Dr Fauci
Dr. Anthony Fauci

Tinawag ni US President Donald Trump na “disaster” si Dr. Anthony Fauci ang director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases.

Kasunod ito sa palagiang pagbabala tungkol sa coronavirus.

Ayon kay Trump, pagod na ang mga tao sa COVID at sa mga pinagsasabi ni Fauci.

Kapag nakinig aniya siya kay Fauci ay posibleng pumalo na sa mahigit 500,000 katao ang nasawi dahil sa COVID-19.

“People are tired of Covid… I have the biggest rallies I’ve ever had and we have Covid,” ani Trump. “People are tired of hearing Fauci and all these idiots.”

Ilang mga eksperto rin naman ang tinuligsa si Trump bunsod nang hindi pagsunod sa “science.”

Ang pambabatikos umano kay Dr. Fauci ay hindi ang nararapat na gawin sa panahon ngayon lalo na at ang US ang may pinakamaraming kaso ng COVID sa buong mundo.

Nito lamang magdamag ang Amerika ay nakapagtala ng panibagong mahigit sa 40,000 mga dinapunan ng coronavirus.

Dahilan para umakyat sa mahigit 8.4 million na ang mga nagkasakit doon.

Mahigit naman sa 300 ang panibagong naitalang mga namatay.

Ang death toll sa US ay nasa 225,222 na.