-- Advertisements --
Tinawag umano ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte bilang “Frank Sinatra”.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, habang nagpapakuha ito ng larawan kay Trump at asawa nitong si Melania ay kinumusta ng US President ang pangulo ng Pilipinas at ikinumpara nito sa beteranong singer na si Frank Sinatra.
Dumalo kasi ang kalihim sa United Nations General Assembly sa New York City.
Naalala kasi ni Trump ang pagkanta ng Pangulong Duterte nang mag-host ang Pilipinas sa ASEAN Summit noong 2017.
Inawit ni Pangulong Duterte ang kantang “Ikaw” kasama si Pilita Corales base na rin sa request daw ni Trump.