-- Advertisements --
Tinawag ni dating US President Donald Trump na isang pamumulitika lamang at ‘witch hunting’ ang kasong isinampa laban sa kaniya.
Napatunayan kasi ng isang New York judge na guilty ang dating pangulo dahil sa panloloko sa pamamagitan ng hindi pagdeklara ng tunay niyang yaman sa ilang transaksyon.
Personal na dumalo si Trump sa unang araw ng pagdinig ng kaso na inasaahang matatapos ang pagdinig ng hanggang Disyembre 22.
Kasama sa kaso ang mga anak ni Trump at mga business partners nito.
Pinagbabayad naman ng korte si Trump ng $250 milyon bilang multa at ang pagbabawal sa kaniya na makipagtransaksyon.