Natapos na ang unang araw ng hush-money trial sa New York court ni dating US President Donald Trump.
Ito ang unang pagkakataon na isang US president, dati man o kasalukuyan, ang nahaharap sa criminal case.
Maraming mga potensiyal na jurors ang hindi pinayagan na humawak ng kaso dahil sa ayaw nilang maging impartial.
Inakusahan kasi si Trump ng pagbabayad ng $130,000 na hush-money sa porn star na si Stormy Daniels para manahimik at huwag ipagkalat ang relasyon nila dahil sa makakasira ito sa kaniyang kampanya noong 2016 elections.
Inamin ni Daniels na nooong 2006 ay nakatalik niya si Trump at siya ay binayaran ng abogado ng dating pangulo na si Michael Cohen para manahimik.
Nahaharap din si Trump sa pamemeke ng kaniyang business records kung saan sinabing ang reimbursement money na ibinigay kay Cohen ay para sa legal fees.
Dahil dito ay nahaharap si Trump ng 34 counts of frauds pero mariing itinanggi nito ang nasabing alegasyon.
Matapos ang pagdinig ay naglabas ng hinaing si Trump kung saan hindi na niya naabutan ang graduation ng kaniyang apo dahil hindi siya pinayagan ng korte na umalis agad.
Tinawag pa nito na ang pagdinig bilang paninira sa kaniyang political career dahil balak niyang tumakbo muli sa pagkapangulo sa buwan ng Nobyembre.