-- Advertisements --

Tinawag ni dating US President Donald Trump na “very unfair” ang naging hatol na ito ay guilty sa mga kasong kinakaharap niya.

Dagdag pa nito na hindi sila pinayagan na gumamit ng mga election experts at maging ang mga witness nila ay pinag-initan ni Judge Juan Merchan.

Binatikos din nito si Judge Merchan na sinabing nagkukunwaring angel sa labas pero sa katotohanan ay isa umano itong demonyo.

Tinawag pa nito ang judge bilang “conflicted” dahil sa paglalagay sa kaniya ng gag order para hindi makapagsalita sa mga kasong kinakaharap.

Magugunitang nahatulang guilty ang dating pangulo sa 34 felony counts dahil sa pamemeke ng kanilang business records.

Nagbunsod ang nasabing kaso dahil sa pagbabayad niya ng $130,000 sa isang adult star na si Stormy Daniels para manahimik sa kanilang relasyon.