Nagsasayang lamang daw ng oras ang buong Amerika sa pagtutuon ng pansin sa mga binitawang pahayag ni former special counsel Robert Mueller sa katatapos lamang na ikalawang hearing nito.
Isinasagawa ang imbestigasyon laban kay Trump dahil sa di-umano’y pakikipag-ugnayan nito sa Russia noong 2016 presidential elections.
Sa naganap na second congressional hearing, nilinaw ni Mueller na hindi siya umabot sa konklusyon na gumawa ng krimen si Trump.
Naniniwala naman ang American president na magdudusa sa 2020 ang mga Democrats dahil sa pamumuno nila ng imbestigasyon laban sa kaniya.
Kumpiyansa din daw ito na malaki ang magiging epekto sa gaganapin na 2020 elections ang patuloy na pagsusulong ng impeachment laban sa kaniya.
Ayon din kay Pres. Trump, simula pa lang umano ng imbestigasyon ay alam na niyang gawa-gawa lamang daw ng kaniyang mga kalaban sa pulitika ang alegasyon patungkol sa paghingi raw nito ng tulong sa Russia upang manalo bilang presidente noong 2016.
Umabot ng halos pitong oras ang naging testimonya ni Mueller sa harap ng House Intelligence Committee kung saan 206 beses itong tumanggi na sagutin ang ilang katanungan sa kaniya.
Samantala, mahigpit na binabantayan ngayon ng South Korea military ang muli na namang pagpapakawala ng dalawang projectiles ng North Korea.
Hindi pa nagbibigay ng komento patungkol dito ang Pentagon ngunit snigurado naman ng South Korea’s Joint Chiefs of Staff na nakikipagtulungan umano sila sa U.S intelligence upang malamang kung ano ang pinasabog ng North Korea