-- Advertisements --
Nagkausap sa telepono si US President Donald Trump at British Prime Minister Boris Johnson.
Kasalukuyang nasa bahay nito si Johnson at nagpapagaling matapos dapuan ng coronavirus disease noong nakaraang mga araw.
Pinasalamatan ni Johnson si Trump dahil sa kasamang nagdasal para sa agad itong gumaling.
Ayon sa Downing Street na pansamantalang tumigil munang magtrabaho si Johnson subalit patuloy pa rin itong kumukuha ng mga impormasyon sa mga matataas na opisyal nito.
Inaasahan din ang pagtawag ni Queen Elizabeth II sa mga darating na araw.