-- Advertisements --

Kinumpirma ni US President Donald Trump na kaniyang magkasunod na nakausap nakausap sa telepono sina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Sinabi ni Trump na naging mahaba at produktibo ang pag-uusap nila ni Putin.

Nagkasundo ang mga ito na simulan na ang negosasyon para matapos na ang kaguluhan.

Matapos ang ilang minuto ay sinunod ni Trump na tinawagan si Zelensky kung saan parehas ang mga lider na nais na matigil na ang matagal na kaguluhan.

Dagdag pa ni Trump na bubuo sila ng team para sa pagsisimula na ng negosasyon.

Pangungunahan ni US Secretary of State Marco Rubio ang negotation team na siyang dadalaw sa Ukraine at Russia.

Magugunitang isa sa mga pangako ni Trump noong kampanya sa halalan na tapusin ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.