-- Advertisements --
Nagpakita ng kaniyang kahandaan si US President Donald Trump na mapayapang ilipat ang kaniyang kapangyarihan kapag natalo sa US election sa susunod na buwan.
Ngunit sa kaniyang talumpati, nanatiling ipinaabot nito sa mamamayan ng Amerika ang kaniyang mga pag-alinlangan sa magiging resulta sa halalan.
Aniya, sinusubaybayan ng Obama administration officials ang kaniyang 2016 campaign kung saan inakusahan pa nito na ang kampo na sinubukan nilang tanggalin siya sa puwesto.
Dagdag pa ng Republican President, gusto niya ng “honest election.”
Ayaw daw niyang mangyari ang dating scenario kung saan libu-libong mga balota ang itinapon sa basurahan.
Inakusahan pa nito ang nakaraang halalan na may mga “unsolicited” at “fraudulent ballots.”