Tiniyak ni US President Donald Trump na mas lalong titibay pa ang samahan nila ng Japan.
Nasa Washington kasi si Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba kung saan tinalakay nila ang pagpapatibay ng defense at ang banta mula sa North Korea.
Sinabi ni Trump na nasisiyahan ito dahil sa dinagdagan ng Japan ang kanilang military spending kung saan handa umano ang US magsupply ng mga makabagong armas.
Dagdag naman ng US President na nais niyang mas pataasin pa sa pinakamataas na level ang ugnayan ng US at Japan.
Ilan sa mga tinukoy dito ay ang pagpapalakas ng negosyo ganun din ang bilateral investment at employment.
Nagpasalamat naman si Ishiba sa naging mainit na pagtanggap sa kaniya ni Trump kung saan tiniyak nito na ang Japan ang pangunahing bansa na nagsusuporta sa US.