-- Advertisements --
Hindi pa rin nagbabago ang kumpiyansa ni US President Donald Trump sa kaniyang national security team.
Kasunod ito sa aksidente umanong pagsama ng journalist na si Jeffrey Goldberg sa group chat ng mga security officials.
Sa nasabing kontrobersya ay ibinunyag ni Goldberg ang plano ng US na airstrike sa Yemen.
Sinabi naman ni White House press secretary Karoline Leavitt, nagtitiwala pa rin si Trump sa mga security officials niya.
Sa ginawang pagdinig naman sa US Capitol ay binigyang linaw ni Defense Secretary Pete Hegseth na walang anumang sensitibong impormasyon ang naipamahagi.
Sa ngayon ay hiniling nila ang tulong ng mga technical experts ni Tesla CEO Elon Musk kung paano naisama sa group chat ang nasabing journalist.