-- Advertisements --
US TURKEY 1

Kinondena ng mga mambabatas sa Estados Unidos ang naging desisyon ni President Donald Trumo na bawiin ang US military force na sa Northern-Syrian boarder.

Mismong mga kapartido ni Trump ang bumabatikos sa kaniya, tulad na lamang nina Senate Majority Leader Mitch McConnell, Sen. Lindsey Graham at former US Ambassador to the UN Nikki Haley ukol sa desisyon nito.

Ayon sa mga mambabatas, hindi nila susuportahan ang posibilidad ng Turkish incursion sa Syria.

Nilinaw din umano ng Department of Defense kay Turkish President Recep Erdogan na hindi ineendorso ng US ang kahit anong Turkish operation sa Northern Syria.

Una nang hinikayat ni McConnell na bawiin ni Trump ang kaniyang desisyon dahil tanging Russia, Iran at Assad regime ang makikinabang dito.

Dagdag pa ni McConell dapat daw ay American leadership ang ipakita ni Trump para mapanatili ang multinational coalition upang sugpuin ang ISIS at maiwasan ang komplikasyon sa pagitan ng ka-alyado nitong NATO Turkey at local Syrians.

Sa kabila nito, dinepensahan naman ng American president ang kaniyang sariling desisyon. Aniya, wala umano siyang kinakampihan na kahit sino at kinausap muna niya ang kaniyang mga opisyal bago ianunsyo ang naturang desisyon.