Nagpaliwanag si US President Donald Trump sa tuluyan nang pagtigil ng taunang large-scale joint military exercises sa pagitan nila ng South Korea.
Ayon kay Trump, ito raw ay para makatipid ng daan-daang milyong dolyar ang Estados Unidos, na hindi naman daw nila nababawi.
Giit din ni Trump na kailangan itong gawin upang mapahupa ang tensyon sa pagitan nila ng North Korea.
“The reason I do not want military drills with South Korea is to save hundreds of millions of dollars for the U.S. for which we are not reimbursed. That was my position long before I became President. Also, reducing tensions with North Korea at this time is a good thing!” saad sa tweet ni Trump.
Una nang kinumpirma ng Defense ministry ng South Korea at ng counterpart nila sa Washington na nagkasundo sila na ihinto muna ang kanilang malakihang military exercise.