Gumawa ng pangako si US President Donald Trump sa mga babaeng may asawa sa Lansing, Michigan.
Sa kaniyang ginawang campaign rally, umapela siya sa mga suburban women na siya ay iboto at kapag manalo sa halalan, ibabalik niya sa trabaho ang mga asawa nito at muli nang makapag-aral ang kanilang mga anak.
Maraming babae sa nasabing lugar ang nawalan ng trabaho at apektado sa coronavirus pandemic.
Napag-alaman na hindi raw sikat sa mga babaeng botante si Trump at lumabas sa survey na mas gusto raw ng mga kababaihan si Democratic presidential nominee Joe Biden.
Hindi umano nagugustohan ng mga babae ang mga umiiral at nakakahiyang mga salita na binibitiwan ni Trump na tumutukoy sa mga kababaihan gaya sa kaniyang mga political opponent na si Hillary Clinton, House Speaker Nancy Pelosi at Democratic vice presidential nominee Kamala Harris.
Dahil dito, harap-harapan na nagmakaawa ang Republican President na humingi ng suporta sa mga suburban housewives ng America.
“And I love women, and I can’t help it. They’re the greatest. I love them much more than the men, much more than the men. So I’m saving suburbia. I’m getting your kids back to school. Get your kids back to school,” ani Trump sa kanyang rally. “Hey Governor, let your state open. Get your kids back to school, Governor. Not a good governor. And you know what else? I’m also getting your husbands… They want to get back to work. They want to get back to work. We’re getting your husbands back to work, and everybody wants it.” (with reports from Bombo Jane Buna)