-- Advertisements --
Pirmado na ni US President Donald Trump ang executive order sa pagbabawal sa mga transgender athletes na sumali sa mga pang-babaeng sports.
Sinabi nito na ang giyera sa sports na pambabae ay tapos na dahil ito ay para lamang sa mga tunay na kababaihan.
Dagdag pa nito na kanilang ipagtatangol ang tradition ng mga babaeng atleta kung saan hindi nila papayagan ang mga kalalakihan na talunin, sugatan o dayain ang mga babae sa kanilang sports.
Inatasan din nito ang kaniyang gobyerno na hindi nila bibigyan ng pondo ang paaralan na pinapayagan ang mga transgender athltetes na sumali sa womens team.