Tinawagan ni Kanye West si US President Donald Trump para humingi ng tulong sa mabilisang pagpapalaya sa kaibigan nitong rapper na si A$AP Rocky.
Kinumpirma mismo ito ni Trump ang pag-uusap nila sa telepono ni Kanye at sinabi nitong kakausapin niya ang Prime Minister ng Sweden.
Ayon pa kay Trump na titignan niyang mabuti kung ano ang maitutulong niya para mapauwi ang American rapper.
Magugunitang ikinulong pa ng isang linggo ang rapper sa Sweden habang pinag-aaralan ang kaso nito matapos na masangkot sa kaguluhan sa Stockholm.
Nilinaw ng abogado nito na isang self-defense lamang ang kaniyang ginawa.
Ilang mga celebrities gaya nina Kim Kardashian, Sean ‘Diddy’ Combs, Justin Biebers at Nicki Minaj ang nanawagan na pakawalan na si A$AP Rocky o Rakim Mayers aka Rocky.